June 12, 2008
230. Independientes

Ang kalayaan ba ay makikita lamang sa kawalan ng dayuhang mananakop? Sa tuwing susuriin ko ang ating lipunan, madami akong nakikitang lumulupig sa atin: kahirapan, komersyalismo, kawalan ng oportunidad, at korupsyon. Nagpumilit pa tayong maging isang malayang bansa upang tayo tayo mismo ang manakop sa karapatan ng ating kapwa?
Today, as we commemorate our 110th independence day, may we truly experience the blessings of freedom.
Ito ang aking lahok para sa Linggo ng Kalayaan ng Litratong Pinoy. Ang watawat na iyan at ang mga titik na naka ukit sa isang tableta ay pawang makikita sa Emilio Aguinaldo Shrine sa Kawit, Cavite.